Karamihan ng mga nagba-blog ay gustong kumitang pangkabuhayan. Wala naman masama, sa tingin ko. Kaya naman minsan ay pinangarap ko din magkaroon ng limpak limpak na salapi gamit ang blogging. Kaya lang, nagse-setup pa lang ng account sa Amazon, Google Ads, Facebook Ads, etc ay tinanggihan na nila ako due to adult content ng blog ko. Punyeta sila. Sinira nila ang pangarap ko.

Kaya naging bitter ako. Sabi ko sa sarili ko hindi naman kailangan ng pera galing sa pagba-blog, sapat na ang kinikita ko bilang marangal na empleyado. Sabi ko pa, ang hobby ay hindi pinagkakakitaan bagkus (buma-bagkus?!) ay pinagkakagastusan. Punyeta sina Tsi, Jason at Boni na may kumikitang pangkabuhayan. Oo na, bitter pa ako sa ampalaya.

One day isang araw, I saw nakakita ng email galing sa admin ng Pleasureshop.com.ph (Philippines Trusted Sex Toys Shop). Kung pwede ba daw ilagay ko ang link nila sa sidebar ng blog ko. Ang kapalit ay may discount tuwing bibili ako ng product nila. Pinag-isipan ko ang offer nila ng mga 3 seconds.

One.

Two.

Three.

Okay!

Mula noon, nasa sidebar na ang Pleasureshop.com.ph.

Noong December, nakatanggap uli ako ng email galing sa Pleasureshop.com.ph. Gusto nilang magpadala ng regalo “as a token of our appreciation”. I didn’t expect it! Eto ang pinadala nila:

A travel dildo, worth P1,500! I got mine in white. I might post a product review kapag nagamit ko na. Sa ngayon kasi hindi ko pa magamit dahil… oh well. Basta, hindi ko pa nagagamit.

Sa tatlong taon kong pagba-blog ay ngayon lang ako kumita ng P1,500. Dildo pa! Ha! Thank you Pleasureshop.com.ph!

This post is brought to you by:

Pleasure Shop
Philippines Trusted Sex Toys Shop
Website: www.pleasureshop.com.ph
Email: support@pleasureshop.com.ph

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Ghost Protocol

11 Jan 2012

Dahil sa internet, madali na maging istoker. Hindi mo na kailangan dumaan parati sa harap ng bahay ng karas mo para lang alamin kung anong paborito nyang music o kung anong gamit nyang sabon. Lahat yan ay makikita na sa internet, kung magaling kang mag-istok. (Tip: Gumawa ng ibang account. I-add sa Facebook ang nanay nya, tatay, katulong at mga kapatid para malaman ang sabon nila sa bahay. Magugulat ka sa pwede mong malaman tungkol sa kanya base sa mga kasama nya sa bahay. Been there, done that.)

Dahil na-bore na ako sa mang-istok sa social network, blogs naman ang iniistok ko. Eto ang listahan ng mga blog na lagi kong binabasa pero kahit kailan ay hindi ako nagparamadam na nagbasa sa kanila.

Maruism.com – Sa kanya ko nakukuha ang mga jokes na pina-forward ko sa mga naka-Sun sa phonebook ko. Naaaliw din akong basahin ang mga do-it-yourself tip ni Maru. Nagkamali ako minsan na magkoment sa post nya. Maygawwwd! Nahiya me much.

FashionPulis.com – Ngayon lang ako na-adik magbasa ng mga showbiz chismis at dahil yan kay Michael Sy Lim, ang admin ng FashionPulis.com. Binabasa ko pa ang mga comments sa post nya para lang makilala kung sino ang nasa blind item posts. Dito ko nalaman ang nangyari kay Piolo, KC at Mark Bautista. Dito ko rin na-chismis na hindi pa din makapag-move-on si Melissa Ricks kahit wala naman akong pakialam sa kanya.

Sosyalera.net – Hindi ko alam kung ano na ang pinagkakaabalahan ni Leyn (admin) kasi hindi na sya madalas magblog katulad ng dati. Natutuwa pa naman ako sa mga simpleng fashion tips ni Leyn na pwedeng pwedeng sundan ng mga nagtitipid na tulad me. Kakaiba din ang banat nya sa pinoy movie, pinoy pop culture o kung anong uso ngayon na pinag-uusapan. I wonder kung anong masasabi ni Leyn sa #ItsMoreFunInThePhilippines at #conyoproblems.

The Good That Won’t Come Out – Medyo, kinda, somewhat, ma-showbiz nga ako di ba? Hindi naman talaga ako uber fan ni Andi, pero natutuwa akong makita ang mga picture nya na walang make-up. And I admire this girl for not giving up her child.

Iamronel.com – Kapag nalulungkot ako at walang ginagawa, binabasa ko ang blog ni Ronel (admin) at nawawala ang pagkabagot ko sa buhay. Enough said.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: