Alam ko tanga ako…

08 Dec 2011

… pero minsan nagugulat pa din ako sa katangahan ko.

________________________________

Date: Wed, 7 Dec 2011 11:40:33 +0800
Subject: Magandang araw!
From: nortehanon @ gmail . com
To: salbehe @ hotmail . com

Hello, Binibining Salbe!

Kahapon ay sobrang naaliw ako sa pagbabasa ng post mo tungkol sa iyong transvaginal eklavu. Naaliw ako kung paano mo ikinuwento ang iyong experience.

Tapos, kanina ay nahawakan ko na ang mga aklat na padala mo. Ang gaganda nila at pamasko pa ang tema. Anyway, sa unang pagbuklat ko ng pahina ng bawat isang aklat ay napansin kong may nakasingit na mga papel na siguro ay hinahanap mo sa ngayon hehehe.

Ang tinutukoy ko ay ang iyong resibo ng iyong medical exam at ang reseta para sa iyo. Baka kailanganin mo iyon sa iyong reimbursement at yung reseta naman ay baka kailanganin mo sa pagbili ng meds. Ipadadala ko na lang pabalik sa iyo, ha?

Take care, my dear.


Happily playing at www.nortehanon.com
Because life is not only to be lived, it is also to be celebrated.

________________________________

From: salbehe @ hotmail . com
To: nortehanon @ gmail . com
Subject: RE: Magandang araw!
Date: Wed, 7 Dec 2011 11:45:53 +0800

Potashet! Naisingit ko pala sa mga aklat! Sige itabi mo na yan, souvenir mo na. Huwag mo nang ipadala pabalik, sayang lang ang pambayad mo sa LBC. Dahil nga nawala ko ang resibo, nagpagawa na ako ng bagong resibo para may ma-ireimburse.

 

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Ito dapat ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards Year 2 sa kategoryang Kwentong Pambata.

Nanay Mola: Oh anak, bakit ka umiiyak?

Pepe: Nay, hindi ko po mapalipad ang saranggola ko, pinagtatawanan ako. Huhu.

Nanay Mola: WTF? Yun lang? Akala ko naman presidente na uli si Gloria.

Pepe: Atsaka maliit po ang tite ko.

Nanay Mola: Hindi ka kasi nagmana sa tatay mo.

Pepe: Huh?!

Nanay Mola: Wala, ang sabi ko hindi problema yan. Gagawan natin ng solusyon. Una yung tungkol muna sa saranggola mo, bakit hindi mo mapalipad?

Pepe: Maliit po kasi, sabi ni Enteng Kabisote dapat daw po malaki ang saranggola ko para matayog lumipaaaaad.

Nanay Mola: Kalokohan! Alam mo anak, katulad ng tite may iba’t-ibang uri ang saranggola: maliit, malaki, mataba, maitim, maputi, madamo, malinis. Kung makakapasok ka Anak sa gaybar maiintindihan mo ako. Pero wala yan sa laki o haba, wala din yan anyo o kulay, nasa performance yan.

Pepe: Huh?! Pano nga poooooo?

Nanay Mola: Una, maghanap ng kalaro upang makatulong na mapalipad ang saranggola. Anak, okay lang mag-eksperimento pero sana babae ang kunin mong partner.

Pepe: Ah, okay.

Nanay Mola: Hawakan mo ang pisi at sa kabilang dulo naman pahawakan mo sa partner mo ang saranggola. Pwede din kayong magbaliktaran, 69 position. Ang saranggola ay dapat na nakaharap sa iyo at sa hangin. But make sure the wind is going in a straight line from you to your partner.

Pepe: Ang galing nyo naman ‘Nay!

Nanay Mola: Gago, nasa Google yan. Upang payagan ang saranggola na pumunta ng mas mataas, habaan ang pisi. Para sa mas mababang saranggola, banatin papalapit ang pisi.

Pepe: Madali lang naman po pala ‘Nay! Pull in, pull out. In, out. In, out. Ah ah ahhhh.

Nanay Mola: Mabuti naman natuto ka. Nagmana ka nga kay Enteng Kabisote.

Pepe: Huh!?

Nanay Mola: Wala, ang sabi ko ay praktis lang yan. Wala sa laki o uri ang pagpapalipad at pagpapatagal nitong nakatayo. Nasa husay, tiyaga, at ingat `yan. Dapat alam mo kung paano ito igalaw, nasa loob man o labas. Buto’t balat man yan, alam kong madami kang mapapaligayang babae.

 

*******************

 

Ni-repost para sa pakontest ni Gillboard.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: