1

And Yet Another Valentines Post*

Last year ang unang taon kong walang ka-date ng balentayns. This year mukhang nasasanay na ako.

Syempre naiinggit pa din ako sa mga taong hindi single. Alam ko kasing may special someone sila para magbigay ng bulaklak at chocolate (kahit allergy ka), may pinagpaplanuhang manood ng sine, dinner, gala, motel o kung nagtitipid, sa damuhan. Bakit ba naman kasi sa araw na ito, mas nabibigyang pansin ang mga taong may capital S sa noo. Sabi nga ni papa karl:

Valentines Day = SAD: Single Awareness Day

Kaya ako, uuwi na lang sa probinsya, duon magpalipas ng Valentines para:

  1. Umiwas sa traffic.
  2. Matulog ng bonggang bonnga.
  3. Magmukmok ng mag-isa.

no_valentines

Bakit kasi hanggang 28 ang pebrero? Pwede namang 13 lang.

*Almost a repost from pitik-bulag sa buwan ng pebrero.

Trip Lang

Trip ko lang irepost ang mga trip na ito. Click the picture to enlarge.

Cagbalete Island, Mauban, Quezon

Cagbalete Island, Mauban, Quezon

Sagada

Sagada

Mt. Kabunian at Mt. Tenglawan

Mt. Kabunian at Mt. Tenglawan

Mt Labo

Mt Labo, January 16-17, 2010

Kung trip nyong pumunta sa mga trip na nasa itaas, HUWAG nyo akong kontakin. Si Deng ang dapat nyong pagtripan: ;)

Dennis E. Apuntar

Team Proxy

http://dengdunicio.blogspot.com

http://deng.multiply.com

0918-3177950/ 0922-8394236
YM – sinned_deng

__________________________________________________
Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Trip Lang

Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Magtrabaho?

Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho.

A. Una ay umabsent.

1. Dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.

2. Mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better.

3. Bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw.

http://dayliesmovieandtv.blogspot.com/2009_01_04_archive.html

BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.

B. Pangalawa ay pumasok

Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective.

1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang excited masyado. 8:00

2. Pagdating mo sa opisina ay magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag umaga. Tagalan ang pagtimpla, mga trenta minutos ayos na. 8:00-8:30

3. Buksan ang computer. Buksan ang mailbox. Basahin ang mga emai, mapabago man o luma. Buksan lahat ng pedeng buksang attachments, makakabuti ito sa pagpapatagal ng oras. Magbasa ng RSS Feed kung saan ka naka-subscibe. 8:30-9:30

3. Matapos ang makabuluhag paggamit ng computer ay magdala ng mga papel-papel at magtungo sa kung saan mo man nais. Mas maganda kung mukha kang aborido hawak ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay para sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa trabaho na busy ka lagi. Gawin ito kahit sa CR lang pupunta. 9:30-10:00

4. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na ulit! Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla ulit ng panibagong kape. 10:00-10:15

5. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap sa computer. Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman ay mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Magbloghopping. Kailangan mong i-master ang ALT TAB Technique para sa magandang resulta. 10:15-12:00

6. Tama na muna ang internet. Lunch break na! Alam mo na ang dapat gawin. 12:00-1:00

7. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #5. Habang gingawa ito ay maglabas ulit ng mga scratch papers na para bang me hinahanap. Tandaan na dapat seryoso ang mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang noo para makakuha ng mukhang seryoso). 1:00-3:00

8. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras. Hala..punta na ulit sa pantry. Maaari ka na ulit mag-kape. 3:00-3:15

9. Bumalik sa computer. Tapos ka na sa emails, RSS Feed at bloghopping. Gumawa ka naman ng blog sa Excel (oo sa Excel!) para mukhang kapakipakinabang sa kumpanyang kinapasukan mo ang blog na ginagawa mo.  3:15-5:00

BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa bossing mo kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho.

REPOST but edited. Galing ito sa lumang email habang ginagawa ko ang Rule #B.3.

__________________________________________________

Email to a friend

Bookmark Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Magtrabaho?

Free Gift Certificate from Confetti Spa by just reposting this blog

Free Gift Certificate from Confetti Spa.

Confetti Spa

Subject: Free Gift Certificate from Confetti Spa by just reposting this blog

Confetti Spa is a home spa service located in Eastwood, Quezon City. Their mantra, A Massage To Remember, that is a massage which is more than a luxury – it is a tune up for the body, mind, and soul. Please take a moment to browse their site to learn about the treatments and services they provide. Or you can avail free gift certificate to try their service.

Okay, enough nose bleed. Eto ang dapat gawin.

1. Repost. I-repost ang buong blog na ito (yep, copy and paste) sa kahit anong blogsite na trip mo. Halimbawa: Friendster blog, Multiply blog, Facebook Notes, Blogspot, WordPress, MySpace, self-hosted sites.

2. Kailangang ilagay ang subject na: Free Gift Certificate from Confetti Spa by just reposting this blog. Kapag hindi ganyan ang subject, hindi valid ang entry. Sana po maliwanag ito.

3. Linkback. Pumunta sa  http://salbehe.wordpress.com/kontest-2/ at ilagay ang link ng iyong blog. Isang valid link ay isang koment.

4. I-ra-raffle ang Confetti Spa Gift Certificate sa Nov. 28, 2009.

Happy reposting!

Mar-Korina Honeymoon Tweets

Honeymooning in Japan, Mar Roxas and Korina Sanchez find time to tweet:

Mar: Enjoying the quiet & being together…
Mar: Tried hot spring. Super init, dahandahan bigla parang panliligaw. Kakaaliw…
Mar: After a hearty jap meal, we’re now setting off on a bicycle ride into the mountains.
Mar: K and I sitting by rose garden watching birds feed. Temp mas malamig kesa baguio but we’re warmed by the sun… and siksikan kami
Korina: Sobra na lamig dito. Si Mar gusto naglalakad sa lamig at ambon…
Korina: Ayaw ni Mar mag-isa, sinundo ako sa room. Sweet naman…
Korina: Si Mar parang bola! 5 layers—T-shirt, sweater, vest, jacket at bumili ng hat sa kanto para di lamigin tenga at bunbunan.
Mar: it’s SNOWING!!! This is K’s first snow ever. She’s outside playing like a little girl… Pneumonia bukas, hahaha
http://twitter.com/MARoxas

http://twitter.com/MARoxas

Kailangan talagang i-twit lahat? Ang hirap uli nitong makatulog mamaya. :lol:
__________________________________________________

Email to a friend

Press This

Bookmark Mar-Korina Honeymoon Tweets

Italian Film Festival. Libre? Syempre!

Hindi naman ako magrerepost ng hindi libre.

Opening night on October 14, 7:30 p.m. at Shang Cineplex Cinema 1. The rest of the films will be screened at the Shang Cineplex Cinema 3.

Free admission. Seats are on a first come, first serve basis. MTRCB classification may be confirmed at the ticket office.

Venue:  Shangri-la Cineplex, EDSA cor. Shaw Boulevard, Mandaluyong City

Galing dito.

Syempre nag-search na ako ng magandang pagkakaabalahan. Interesado ako sa Rating, at dahil wala pang binibigay ang MTRCB, naghanap na ako sa net.

The True Legend of Tony Vilar – Not Rated, badtrip. Musical Documentary. Boring. Pass.

Before You Know It – Not Rated. It is a wonderful, realistic and poetic comedy. Pwede!

Gas – Genres: Drama. Audience Rating: 18 And Over. Under Consideration.

The Viceroys – Italian costume drama. Historical, Drama, Adaptation. R13, contains violence and sexual themes. Check check!

Smalltown, Italy - Drama. Ang haba kasi ng synopsis, parang kinuwento na.

The Fever – 3 out of 5 stars. Not bad.

Mater Natura – Parang Kama Sutra ang datingan ng title. Comedy. Gay film. Parang panonoorin ko ito, parang alam ko na kung sinong ka-date ko rito.

The Bird with the Crystal Plumage – Mystery. Thriller. Horror. PASS!

The Heretic – Courtroom drama, all the way from 14th century. Old school movie, I think.

One Out of Two – is about taking risk. Another risk analysis movie, anyone?

What I’m Doing Here - Adventure. Comedy. Drama. Paano napagsamasama ang adventure comedy at drama?

Caravaggio – Biography. Drama. History. Parang pang-classroom, hinde pang-sine.

The Destination – This movie is about recalling the attention into a reality that is forgotten or even unknown… Under consideration. Baka masyadong malalim, hindi ko mahukay.

Screening schedule:

October 14, Wednesday
The True Legend of Tony Vilar – 7:30 p.m.

October 15, Thursday
Before You Know It – 2 p.m.
Gas – 4:30 p.m.
The Viceroys – 7 p.m.
Smalltown, Italy – 9:30 p.m.

October 16, Friday
The Fever – 2 p.m.
Mater Natura – 4:30 p.m.
The Bird with the Crystal Plumage – 7 p.m.
The Heretic – 9:30 p.m.

October 17, Saturday
One Out of Two – 2 p.m.
What I’m Doing Here – 4:30 p.m.
The True Legend of Tony Vilar – 7 p.m.
Gas – 9:30 p.m.

October 18, Sunday
Caravaggio – 2 p.m.
The True Legend of Tony Vilar – 4:30 p.m.
Mater Natura – 7 p.m.
The Destination – 9:30 p.m.

October 19, Monday
The Heretic – 2 p.m.
The Fever – 4:30 p.m.
One Out of Two – 7 p.m.
What I’m Doing Here – 9:30 p.m.

October 20, Tuesday
Smalltown, Italy – 2 p.m.
The Bird with the Crystal Plumage – 4:30 p.m.
Caravaggio – 7 p.m.
Before You Know It – 9:30 p.m.

October 21, Wednesday
The Destination – 2 p.m.
The Fever – 4:30 p.m.
What I’m Doing Here – 7 p.m.
The Viceroys – 9:30 p.m.

For the synopses, visit spot.ph.

Kung trip mo ang Italian movie titles, dito.

Kung trip mo ang mas magandang rebyu (pero nosebleed), dito.

TIP: Get your ticket at the ticket booth early AND line at the entrance of Cinema early. Since this is a free admission, the keyword is EARLY.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Italian Film Festival Libre Syempre