Happy New Year!
31 Dec 2011Nagising ako noong Biyernes ng umaga, bandang alas otso, dahil masakit ang tyan ko. Humihilab. Alam na! Natatae ako kaya kumaripas ako ng takbo sa banyo, naghubo at umupo nang mabilis sa inodoro. Pag-upo ko, isang malakas na
Toooooooot!!!!
lang ang narinig ko. Walang tae na lumabas. Nauutot lang pala ako. Nakakadipres. Nagmadali kasi akong tumayo para lang sa wala. Kaya ko naman umutot nang bonggang jabongga ng nasa higaan. Dahil maaga pa para sa akin na gumising ng alas otso kapag walang pasok, natulog uli ako.
Bandang alas diyes, nagising uli ako dahil masakit na naman ang tyan ko. Humihilab uli. Lentek! Pinakiramdam ko muna ang tyan at pwet ko. Nakakadipres naman kung madadaya na naman nila akong tumakbo sa banyo para lang sa wala uli.
“Utot lang ito, utot lang ito.” Yan ang iniisip ko nang umutot ako habang sarap na sarap na nakahiga sa kama.
Pero hindi utot ang lumabas sa pwet ko.
Liquid na mainit init sa pakiramdam. Mabaho.
Boom!
Nadaya na naman ako.



