Feed Rss



Aug 31 2010

Hokus Pokus

category: Ebent,Mapaglarong Isipan author: salbehe

Noong Linggo, tinawagan kami ng pinsan ko na pumunta sa bahay nila dahil first birthday ng bunsong anak nya. Dahil walang pasintabi ang pag-iimbita, pumunta kaming walang dalang regalo. Kung iisipin mong nakakahiya, oh well, nakakahiya talaga. Pero sanayan lang ang pumunta sa birthdayan na walang dalang regalo, at sanay na kami sa ganyang sitwasyon. Sabi sa iyo, ibahin mo ako, ibahin mo ang pamilya ko.

Dahil children’s party ito, default ang cake, spaghetti at hotdog. May fried chicken din, breadroll, sinukmani, gelatin at coke. Ang main attraction ay lobo. Nagkakagulo ang mga pamangkin ko at mga batang bisita na abutin ang pisi ng lobo sa kisame, pagkatapos ay sabay sabay nilang bibitawan. Magkakagulo uli silang hablutin ang lobo atsaka pakakawalan. Repeat until fades.

Ang saya!

Sa gitna ng kaguluhan, may batang nagtanong kung bakit nakakalipad ang lobo.

Tito Emon, why does the balloon fly?

Oo, englisera ang mga hinayupak kong pamangkin. Ano bang itinuturo sa mga batang ito? Sumagot si Emon,

It’s Archimede’s principle, that is a principle of buoyancy. The balloon contains, in its envelope, a gas called helium. Helium is lighter than air, thus makes the balloon fly!

Tumigil ang mundo, nakatitig ang pamangkin ko kay Emon, kumunot ang noo, sabay sabi ng,

What the fuck!?????

Joke lang. Pero tumigil nga ang kaguluhan, para silang nakarinig ng malakas na utot pero walang tumatawa.  Para manumbalik sa katinuan ng mga bata, sumingit na ako,

Mga kids, may magic sa loob ng balloon kaya ito nakakalipad!

Ang mga bata ay napa- Ahhhhh. At tuloy ang ligaya!

Ang moral lesson nito ay:

1. Minsan mas madaling mag-explain na ang tanging dahilan ay salitang magic. (Off topic: Minsan nagtanong sa akin ang pinsan ko, Ate bakit mas malakas ang tiger kesa alligator? Ang sagot ko, Kasi mas malakas ang magic ng tiger. Tigil ang usapan.)
2. Mas madaling mang-uto ng bata, kung sa matanda mo sasabihin yan, pagtataasan ka lang ng kilay. Been there, done that.
3. Kung ayaw mong maguluhan, huwag mong tingnan sa komplikadong paraan.
4. Mas magaling pa sa akin magmura ang mga bata. WTF.

___________________________________________________________

I-email ang koment dito.

Possibly Related Posts:



Aug 26 2010

Spam Comment… or Not?

category: Wala Lang author: salbehe

Comment

Punyeta. May interesado kung virgin pa si Vajarl. Isalya na yan! :grinnod:

___________________________________________________________

I-email ang koment dito.

Possibly Related Posts: