Millenium Trilogy is Evil
by salbehe on April 10, 2012
Ngayon na lang uli ako na-hook sa isang book series. Actually, ngayon lang talaga. Yung Harry Potter series ay hanggang book 4 lang yata ako. I got bored. Yung Twilight series at Hunger Games series ay keri boom boom lang. Nakakabitin naman ang Lorien Legacies kasi hanggang ngayon inaantay ko pa ang book 3. Mabuti na namatay na ang author ng Millenium Trilogy, alam kong wala nang kasunod ang The Girl Who Kicked the Hornet’s Nest.

Noong nakaraang buwan, hindi na halos ako nakatulog dahil sa pagbabasa ng Millenium Trilogy. Gusto ko na agad malaman anong nangyari kay Mikael Blomkvist. Napanaginipan ko na ako si Lisbeth Salander at kailangan kong patayin si Zalancheko. Nakalimutan ko nang mag-toothbrush, kinalimutan ko nang magtapon ng basura, nagbasa ako kahit nakatayo sa siksikang MRT. Kahit sa pagtae ay nagbabasa ako.
Kung nakamamatay ang dahilan na “Busy ako kaya hindi na ako madalas mag-blog” siguro ay matagal na akong deads. Kung babalikan ko nga ang mga nakaraang post ko, puro picture na lang ang andito sa blog ko, kulang na lang ay gawin ko itong photo album. Wala naman nagrereklamo pero alam ko na kapag dumating ang panahon na mag-backread ako sa sarili kong blog (which really happens), panigurado ay ikakahiya ko ang mga yun.
Marami lang talaga akong pinagkakaabalahan, sa madaling salita: Busy. Yeah, you can kill me now.
Mamaya na lang pala, may ikukwento pa ako.
Parang nararamdaman ko na ang nararamdaman ng mga blogger na may anonymity shit. Bakit ba kasi wala akong ganyang konsepto. Alam ng whole wide internet world ang pangalan ko, saan ako nakatira, anong hilatsa ng pagmumukha ko at sinong mga kaibigan ko. Pati na yung kaibigan ng mga kaibigan ko. Minsan nga may nakikita pa akong nag-go-Google ng buong pangalan ko. As if makakatulong yun sa pang-araw-araw na buhay nya.
Ang dami kong sinasabi, nagsesentimyento lang naman ako na madalas minsan ay hindi ako makapagkwento ng kung ano talagang nangyayari. Dapat walang ebidensya ang mga nangyari na. Katulad nung birthday ko, as far as everyone’s know, walang nangyari nung birthday ko. Pero meron, meron, meron! Para sa ikaliligaya ng nakakarami, wala na lang nangyari nung birthday ko.
O yung nangyari sa Baler. May kinasal noong nasa Baler kami. May narinig ba kayo sa akin? Wala. Baka kasi mabasa nung karelasyon nung kinasal na kasal na ang karelasyon na. Napakasalimuot naman talaga oo.
O nung nagkaroon ng surprise birthday party para sa bakla naming kaibigan. Ang saya saya nun! Dalawang araw akong hindi pumasok ng matino sa opisina dahil dun.
Pero bukod sa mga sentimenyento ko, busy talaga ako. Totoo. Promise! Peks man. Mamatay man ang lahat ng ipis sa buong mundo!
Na-miss ko ang ganitong pagba-blog. Yung parang may kinakausap akong wala. Punyeta lang. Nagpaliwanag ako kung bakit hindi na ako madalas magblog kahit wala namang may pakialam.
Smooth Criminal
by salbehe on April 2, 2012
According to Philippines Republic Act, it is prohibited to mutilate, deface, defile, trample on or cast contempt or commit any act or omission casting dishonor or ridicule upon the flag, official seal and other heraldic items and devices, including statues.
Manuel Quezon and Salbe Mogul. Baler, Aurora. April 1, 2012.
Thank you to Hya and Aiza for capturing this endearing moment.

